Sa halip na sa bahay, sa hospital ang diretso ng isang lasing sa bayan ng Odiongan matapos itong makaaksidente ng isa pang rider bandang alas-11:30 kagabi.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, pauwi na ng Brgy. Panique ang lasing na si Rennel Merran Corpin nang mawalan ito ng kontrol sa sasakyan at nasalpok ang kasalubong na motor na minamaneho naman ni Bryan Manoy residente ng Calatrava, Romblon.
Tumilapon ang dalawa mula sa kanilang mga sasakyan maging ang sakay na menor de edad ni Manoy.
Sa ulat ng pulisya nagtamo sila ng ‘serious injuries’ dahilan upang isugod sila lahat sa Romblon Provincial Hospital.
Dinala naman ng pulisya ang mga sangkot na motorsiklo para sa pagpapatuloy ng imbetigasyon sa aksidente.