Patay ang isang mangingisda sa bayan ng Odiongan, Romblon matapos itong makuryente kaninang madaling araw sa Barangay Libertad.
Kinilala ang biktima na si Roldan Fos Solangon, 60 anyos.
Sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, lumalabas na nawalan ng kuryente sa Purok Mapa kung saan nakatira si Silongan kagabi.
Bandang ala-4 ng madaling araw kanina, lumabas ito ng bahay at pumunta sa isang natumbang puno ng niyog na nakasira naman sa linya ng kuryente sa lugar.
Habang naglalakad si Solangon, nakita siya ni Riva Fojas at sinabihan na huwag dumaan sa lugar dahil may mga live wires ngunit habang tinutulungan niya si Fojas, aksidente niyang nahawakan ang isa sa mga live wire dahilan para ito’y makuryente.
Sinubukan pang isugod sa Romblon Provincial Hospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.