Matapos ang 18 taong pagtatago sa batas, naaresto na kahapon sa lungsod ng Taguid ang isang most wanted person sa Odiongan, Romblon.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Reynaldo Magrado Maybunga, 44 taong gulang, at nagtago umano sa Barangay Calzada-Tipas, lungsod ng Taguig.
Si Maybunga ay may kasong murder na isinampa sa Regional Trial Court (RTC) Branch 82, Odiongan, Romblon at may warrant of arrest na inilabas noon pang January 8, 2002.
Nakakulong ngayon ang suspek sa Taguig City Police Station habang inihahanda ang kanyang pagbiyahe pabalik ng Odiongan upang iharap sa korte.