Patay na ng matagpuan kaninang umaga ng search and rescue ang team ang dalawang magpinsang menor de edad na nalunod sa isang dam sa isang ilog sa Sitio Bulwang sa Barangay Gabawan, Odiongan, Romblon kahapon ng tanghali.
Kinilala ng mga otoridad ang biktima na sina Josh Bryan Faeldan, 10 taong gulang; at Mary Joy Faelda, 16 taong gulang, pawang residente ng nabanggit na lugar.
Nakunan pa ng video ng isang residente sa luga ang huling sandali ng dalawa kung saan makikita ang mga menor de edad na naliligo sa dam.
Maya-maya pa, tumungo sila sa baba ng dam kung saan malakas ang pressure ng tubig, at dito na lumangoy ang mga bata papunta sa ilalim ng tubig ngunit ang dalawa sa kanila ay hindi na lumutang.
Buong araw kahapon nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Barangay, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, mga kapulisan, tauhan ng Philippine Coast Guard at ang Bureau of Fire Protection ngunit bigo sila hanggang sa makita ang dalawa ngayong Sabado na wala ng buhay.
Unang nakita bandang alas-8 ng umaga ang katawan ni Mary Joy Faeldan, at bandang tanghali naman nakita ang katawagn ni Josh Bryan Faeldan.