Isang lalaking lango sa impluwensya ng alkohol ang naaksidente sa may bahagi ng national road sa Barangay Panique, Odiongan, Romblon kamakailan.
Kinilala ang naaksidente na si Abel Bastillador, residente ng Barangay Long Beach, San Agustin, Romblon.
Batay sa ulat, pauwi na sana ng kanyang tirahan ang rider nang ito ay makatulog habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo, dahilan upang sumemplang ito.
Nagtamo si Bastillador ng sugat sa mukha, kamay, at sa iba pang bahagi ng katawan.
Agad namang dumating ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection para magsagawa ng first aid sa naaksidenteng rider at para magdala sa kanya sa pinakamalapit na ospital.
Nagpapagaling na ngayon ang rider.