Arestado sa pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng Provincial Drug Enforcement Unit kasama ang Odiongan Municipal Police Station ang isang lalaking di umanoy bagong drug personality sa bayan ng Odiongan sa Romblon.
Naaresto ang suspek na si Jaypee Fetalino Abrazado, 34, matapos mabilhan di umano ng isang poseur-buyer ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng P500.
Nakuha rin sa suspek ang isa pang sachet ng pinaghihinalaang shabu, at mga plastic sachets.
Ayon sa otoridad, ang mga nakuhang iligal na droga sa suspek ay may estimated na bigat na aabot sa .06 grams at ito ay nagkakahalaga ng aabot sa P2,000.
Nakakulong na ngayon ang suspek at mahaharap sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek.