Nakaalis na ng probinsya ng Romblon noong weekends ang mga turistang na-stranded sa lalawigan ng mahigit dalawang buwan dahil sa ipinatutupad na community quarantine dahil parin sa coronavirus disease 2019 o Covid-19.
Ayon sa datus ng provincial government, may aabot sa mahgiit 40 na mga stranded individuals sa Romblon ang nakaalis noong Linggo sakay ng barko ng Montenegro, kasama ang ilang Romblomanon na may scheduled flight na papuntang ibang bansa.
Sa Odiongan, aabot sa 10 ang mga turistang na-stranded at tinulungan ng Municipal Tourism Office para makabalik ng Manila at mahabol ang kanilang mga flights.
Ayon sa opisina ni Mrs. Mary Jude Gabat, Municipal Tourism Officer ng Odiongan, kailangan lang kumuha ng mga turistang sasakay ng barko ng medical certificate mula sa munisipyo at travel authority mula naman sa mga kapulisan.