Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) – Romblon nitong Huwebes, April 30, na mananatiling sarado ang kanilang tanggapan sa Odiongan sa darating na Lunes, May 4.
Hindi sinabi ng pamunuan ang dahilan kung bakit ngunit siniguro nila na agad silang magbibigay ng impormasyon at ulat ukol sa pagbubukas ng kanilang ahensya, at sa iba pang alintuntunin ng LTO at Department of Transportation.
Samantala, kinumpirma ng Department of Transportation sa isang press statement na papayagan ng bumiyahe ang mga tricycle sa Romblon basta isa lang umano ang sakay nito.