Simula sa darating na Miyerkules, May 13, ay magbubukas ng muli ang opisina ng Land Transportation Office (LTO) sa bayan ng Odiongan, Romblon, kasunod ito ng advisory na nilabas ng LTO Main Office nitng May 9.
Ayon sa nasabing advisory, ang mga pupunta sa kanilang opisina ay kailangang sumunod sa minimum public health standards kagaya nag pagsusuot ng face masks, pagkakaroon ng social distancing.
Matatandaang March 23 nang itigil ng LTO ang kanilang operasyon matapos magpatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.