Arestado ang isang lalaki sa bayan ng Odiongan nitong umaga ng Sabado matapos mabilhan umano ng mga tauhan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency ng ipinagbabawal na droga.
Kinilala ang suspek na si Arnel Diokson, 37 anyos, residente ng Barangay Liwanag, Odiongan.
Ikinasa ang operasyon sa loob ng Odiongan Public Market kung saan nabilhan umano ng isang sachet ng ipinagbabawal na shabu sa halagang P1,000.
Ipinadala na sa Provincial Crime Laboratory Office ang mga nakumpiska sa suspek para sa kaukulang examination.
Samantala, nakakulong na ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station habang inihahanda ang kasong isasampa laban rito.