Pinangunahan ni Mayor Gerard Montojo ang pamimigay ng mga food packs at financial aids sa mga residente ng Romblon, Romblon na apektado ng coronavirus disease pandemic (Covid-19) nitong nakaraang Linggo.
Ayon kay Mayor Montojo, namigay sila ng relief goods at P500 pesos na financial assistance sa mga pamilya na residente ng Barangay Agbaluto, Macalas, Tambac, Ilauran, Sablayan, Agnaga, Calabogo and Lamao.
“Nagsimula na pong mamahagi ng food packs at 500pesos cash per household ang LGU-Romblon kaninang umaga hanggang hapon sa walo nitong barangay,” ayon kay Montojo.
Ang Romblon ay kasalukuyang nasa enhanced community quarantine dahil sa banta ng Covid-19.