Humiling ng dagdag na testing kits ang Provincial Health Office ng lalawigan ng Romblon sa Department of Health para sa balak na mass testing ng ahensya sa probinsya.
Sinabi ni Dra. Ederlina Aguirre, Provincial Health Officer ng Romblon, sa ulat ng UNTV News and Rescue na humingi na sila ng dagdag na 1,500 na testing kits para sa lalawigan.
“Ang hinihingi ay 1,500 test kits na additional pero aside from that mayroon paparating na galing daw sa DOH na ayuda o tulong sa probinsya” ayon sa ulat.
Inaasahan namang magsisimula na ngayong linggo ang mass testing sa natitirang mga persons under investigation (PUI) sa lalawigan ng Romblon.
Sinabi ni Ralph Falculan sa Romblon News Network na nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Coast Guard para sa araw ng biyahe ng barko mula Odiongan patungong Batangas dahil dito umano isasakay ang mga specimen.
Aniya, kailangan umanong madala agad sa testing center ang mga specimen na kukunin sa mga PUI para masiguro ang ‘accury’ ng resulta ng nasabing test.