Nakaipon ng aabot sa P659,200 na donasyon mula sa kanilang mga police personnel ang Romblon Police Provincial Office (PPO) bilang tugon sa panawagan ni President Rodrigo Duterte na magkaisa at magtulong-tulong sa paglaban sa coronavirus disease 2019 o Covid-19.
Sa pangunguna ni Police Col. Arvin Molina, Provincial Director ng Romblon PPO, kumasa ang mga kapulisan ng Romblon sa Bayanihan Fund Challenge ng Philippine National Police kung saan kusang loob na nagbigay ang mga police commissioned officers, police non-commissioned officers, at non-uniformed personnel ng P1,000 cash na donasyon.
Sa buong Mimaropa, umabot na ng P6,292,180 ang nalikum ng mga kapulisan mula sa limang probinsya sa rehiyon.