Inanunsyo nitong hapon ng Biyernes ng Romblon Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) na nag negatibo sa Covid-19 test ang isang suspected Covid-19 patient o PUI mula sa bayan ng Sta. Fe, Romblon.
Isa ang pasyente sa mga isinama sa expanded testing na ginawa ng Department of Health sa Romblon noong Biyernes.
Samanatala, may apat pa na resulta ang hinihintay ng Romblon PESU mula sa mga testing center sa Research Institute for Tropical Medicine at San Lazaro Hospital.
Sa huling taya ng PESU nitong hapon ng April 24, aabot nalang sa anim (6) na PUI ang kasalukuyang binabantayan sa buong probinsya.