Tiklo sa mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station sa Odiongan, Romblon ang lalaking wanted sa kasong may kinalaman sa droga sa lugar pa ng Sarrat, Ilocos Norte nitong hapon ng Biyernes.
Kinilala ni Captain Manuel Fernandez Jr., ang suspek na si Brandon Mateo, 27 taong gulang, pansamantalang naninirahan sa Barangay Budiong.
Ayon kay Fernandez, nakatanggap sila ng tip na may bagong lalaking nasa Barangay Budiong at nang kanilang birepikahin ang kautahan nito ay lumabas na may kaso ito sa Regional Trial Court Branch 14 sa Laoag City, Ilocos Norte.
Paglabag sa section 11 ng Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kaso ng ni Brandon.
Agad na inaresto ang suspek at dinala sa Odiongan Municipal Police Station at kasalukuyang nakakulong habang hinihintay na magkaroon ng biyahe para madala ang suspek sa korte sa Ilocos Norte.
Walang piyansa ang kaso ng suspek.
Wala rin itong pahayag.