Nagsimula ng mamigay ng mga cargo pass ang pamunuan ng Department of Trade and Industry – Romblon para masigurong mas mabilis na makakadaan sa mga quarantine checkpoint ang mga traders at truck sa Romblon na may kargang mga basic goods.
Ayon kay Provincial Director Noel Flores, alinsunod umano ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Trade Secretary Ramon Lopez.
Aniya ang mga gustong kumuha ng cargo pass ay maaring pumunta lamang sa opisina ng DTI sa Odiongan, Romblon o di kaya ay makipag-ugnayan sa kanilang hotline sa 09189576428 o mag-email sa dtiromblon@gmail.com.