Isang bahay sa Barangay Li-o, Romblon, Romblon ang tinupok ng nagbabagang apoy pasado alas-8 ng gabi nitong Miyerkules, March 11.
Ayon sa Romblon Municipal Fire Station, ang bahay ay pagmamay-ari ni Amelita Rivera Salba, 65, tauhan ng Rural Health Unit ng bayan.
Hindi pa tukoy kung saan nagsimula ang apoy na mabilis kumalat sa bahay dahil gawa ito sa light materials.
Wala na rin umanong nakatira sa nasabing bahay dahil ang may-ari umano nito ay nakatira na sa Barangay Poblacion-IV kaya walang nadamay pang iba sa sunod.
Naapula ang apoy matapos ang mahigit isang oras.
Tinatayang aabot sa P80,000 ang halaga ng napinsala ng sunog.
Nagpapatuloy ang ginagawang follow-up investigation ng Romblon Municipal Fire Station sa nasabing sunog.