Sugatan ang dalawang sakay ng isang chariot kabilang ang driver nito matapos itong sumalpok sa isang concrete fence sa Barangay Budiong, Odiongan, Romblon pasado alas-7 ngayong umaga.
Ayon sa isa sa mga saksi na si Edcel Famisaran, matulin ang patakbo ng hindi pa nakikilalang driver dahilan upang biglang mawalan ng control sa sasakyan at sumalpok sa isang concrete fence na nasa tabi ng kaslada.
Agad naman umanong isinugod sa Romblon Provincial Hospital ang dalawang sakay nito na pinaghihinalaang nakainum.
Wala namang ibang nadamay sa nasabing aksidente ngunit nagresulta ito ng pansamantalang pagbigat ng trapiko sa lugar.
Ipinaalam na sa Odiongan Municipal Police Station ang nasabing aksidente.