Dahil patungong southwest na ang galaw ng hangin sa bansa, posibleng umabot na sa ilang bahagi ng Romblon ang ashfall kung sakaling muling bumuga ng abo ang bulkang Taal ayon sa resident meteorologist ng GMA News na si Nathaniel Cruz.
Sa ulat panahon ni Mang Tani nitong Huwebes ng umaga, sinabi ni Mang Tani na galing ng North East ang hangin at pababa na.
“Kung mangyayari po yang magkaroon muli ng pagbuga ng abo at usok yang bulkang Taal, mataas ang tiyansa na umabot ‘yung ashfall hindi lang sa may bahagi ng Batangas kundi posibleng umabot pa yan dito rin may Mindoro, ibang bahagi ng Mimaropa: Romblon, Marinduque,” ayon kay Mang Tani.
“at kung tuloy-tuloy ang pagbuga, posibleng umabot pa yan ng Palawan,” dagdag ni Mang Tani.
Sa ngayon, nanatili ang Alert Level 4 ang status ng bulkang Taal, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs.