Balik kongreso na ngayong araw, November 19, si Congressman Eleandro ‘Budoy’ Madrona matapos ang kanyang siyamnapung araw na suspension na pinataw ng Sandiganbayan sakanya dahil sa kinakaharap nitong kaso na may kaugnayan sa P4.8 million fertilizer fund scam noong 2004.
Kinumpirma ni Madrona sa Romblon News Network noong nakaraang linggo na ngayong Martes ang balik niya sa kongreso.
Sa pahayag noon ni Madrona, iginugol nito ang siyamnapung araw niyang suspension sa pag-iikot sa iba’t ibang barangay ng Romblon para magpasalamat sa publiko at hingiin ang mga problema nilang kinakaharap.
Huling binisita ni Madrona kahapon, November 18, ang bayan ng San Andres kung saan nakipagpulong siya sa publiko, kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan.