Ramdam na ang pasko sa kapitolyo ng probinsya matapos pormal na pailawan kagabi, November 29, ang kanilang Giant Christmas Tree at iba pang christmas decoration na matatagpuan sa harap ng Capitol Building sa Capaclan, Romblon, Romblon.
Mismong si Romblon Governor Jose Riano ang nanguna sa pagpapailaw sa Chriastmas Tree na halos may 30 ft ang taas.
Ayon kay Riano, ang nasabing Christmas Tree umano ay magsisilbing Christmas Tree para sa lahat ng pamilya na walang Christmas tree sa kanilang mga sariling bahay.
Maliban rito binuksan na rin ang Christmas Bazaar na matatagpuan lamang sa gilid ng kapitol kung saan makakabili ka ng iba’t ibang pagkain, at produkto ng lalawigan.
Bukas ito gabi-gabi hanggang sa matapos ang fiesta ng bayan ng Romblon, Romblon.