Ngayon palang ay pinaghahandaan na sa bayan ng Banton ang paglapit ng bagyong may international name na Kammuri (Tisoy) kahit ito ay nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.
Ilang mga bangka ang sinimulan ng iakyat ng kanilang mga may-ari mula sa dagat upang hindi ito mapinsala kung sakaling lumapit ang bagyo sa susunod na linggo.
Pinulong na rin ngayong araw ni Mayor Milagros Faderanga ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council upang alamin ang kahandaan sa bagyo ng lahat ng ahensya sa isla.
Kanselado na rin ang biyahe ng roll-on/roll-off na umaalis ng Banton patungong Lucena at San Agustin dahil sa nararanasang malakas na alon papasok ng isla.