• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Sunday, October 18, 2026
29 °c
Romblon
29 ° Mon
29 ° Tue
29 ° Wed
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    DTI Romblon, nagpaalala sa mga negosyo at mamimili sa pagsunod sa product standards

    DTI Romblon, nagpaalala sa mga negosyo at mamimili sa pagsunod sa product standards

    DNA test, kumumpirma sa isang Romblomanon bilang isa sa mga nasawi sa M/V June Aster

    Mga kasong kriminal at anti-graft, pinag-aaralan laban sa may-ari at tripulante ng MV June Aster

    Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    Kooperatiba, daan sa pangmatagalang kabuhayan ng mga pamilyang Romblomanon

    Kooperatiba, daan sa pangmatagalang kabuhayan ng mga pamilyang Romblomanon

    SP Morgado, hinikayat ang kabataan at mga sektor na sumali sa kooperatiba

    SP Morgado, hinikayat ang kabataan at mga sektor na sumali sa kooperatiba

    NIA, nakipag-ugnayan sa DA, DILG at DSWD para sa tulong sa mga magsasaka sa panahon ng El Niño

    NIA, nakipag-ugnayan sa DA, DILG at DSWD para sa tulong sa mga magsasaka sa panahon ng El Niño

    NIA, magpapatupad ng rotational water delivery kung bababa ang suplay ng tubig-irigasyon

    NIA, magpapatupad ng rotational water delivery kung bababa ang suplay ng tubig-irigasyon

    NIA Romblon, naghahanda sa posibleng epekto ng El Niño sa 500 ektaryang sakahan

    NIA Romblon, naghahanda sa posibleng epekto ng El Niño sa 500 ektaryang sakahan

    Tatlong mangingisda sa Santa Fe, tumanggap ng bangkang pangkabuhayan mula DOLE

    Tatlong mangingisda sa Santa Fe, tumanggap ng bangkang pangkabuhayan mula DOLE

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
29 °c
Romblon
29 ° Mon
29 ° Tue
29 ° Wed
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Madami kumakahol sa kampo ni Cayetano!

Romblon NewsbyRomblon News
October 20, 2019 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 14 mins read
7
0
U_Spy: Madami kumakahol sa kampo ni Cayetano!
Share on FacebookShare on Twitter

Bagaman nakakatatlong buwan pa lang sa puwesto bilang House Speaker itong si Taguig Representative Alan Peter Cayetano, pero tila nais nang palutangin ng mga alipores niya na siya ang pinakamahusay na lider at dapat manatiling pinuno ng mga kongresista hanggang matapos ang termino ni President Mayor Digong Duterte.

Kung tutuusin, wala namang masama kung sa tingin ng mga alipores niya na mahusay siyang lider at dapat maging pinuno ng Kamara kahit pa forever. Pero ang masama, may kasunduan siyang pinasok na maghahati sila ng termino bilang Speaker ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, at alam ito mismo ni President Mayor Digong.

Para sa mga hindi nakakaalam o gustong kalimutan ang kasunduan, unang 15 buwan na uupong Speaker si Cayetano (na nagsimula nitong July at matatapos sa October 2020), at pagkatapos ay si Velasco naman hanggang sa nalalabing termino ni Duterte (sa June 2022). Pero siyempre, ang tunay na Lord lang ang nakakaalam kung masusunod ang kasunduan. Aba'y malay ba natin kung ano ang mangyayari sa hinaharap?

Pero nang lumabas ang pinakahuling survey ng Pulse Asia tungkol sa trust at approval ratings ng mga pinakamatataas na opisyal ng bansa, aba'y parang mga batang naglundagan ang mga alipores ni Cayetano nang lumitaw na mas mataas ang marka niya kaysa kay Vice President Leni Robredo.

Sa approval o nasisiyahan sa trabaho ng mga opisyal, si President Mayor Digong ang may pinakamataas na 78 percent, sunod si Senate President Tito Sotto na 72 percent, pangatlo si Cayetano na may 64 percent, pang-apat si Rodredo na may 50 percent, at huli si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na may 42 percent.

Sa trust rating o tiwala, 74 percent si Duterte; 66 si Sotto; 62 si Cayetano; 46 si Robredo at 34 si Bersamin.

Ang naturang rating ay para sa nakaraang tatlong buwan ng panunungkulan ng mga lider. Si Robredo mga tsong eh nagsimulang maging pangalawang pangulo matapos manalo noong 2016 elections, kung saan tinalo niya si Cayetano; at si Cayetano, nagsimula lang maging Speaker noong July lang matapos ang umaatikabong pakiusapan. Kaya naman walang pagkukumparahan kung tumaas ba ang kaniyang ratings o hindi.

Bukod doon, dapat tandaan ng mga alipores ni Cayetano na magkaiba ang trabaho ng vice president at House speaker. Kung naniniwala siya at ang kaniyang mga alipores na may pinagkakatiwalaan siya ng mga tao at mas natutuwa sa kaniyang trabaho, aba'y bakit siya natalong vice presidential candidate ni President Mayor Digong? Naungusan pa nga siya ni dating Sen. Bongbong Marcos sa dami ng boto.

Kung napapansin man ng mga tao ang Kamara ngayon, hindi iyon dahil kay Cayetano kung hindi dahil sa mga House leader tulad ng mga committee chairmen na nagsasagawa ng imbestigasyon at nagsasalita sa iba't ibang isyu tulad ng problema sa transportasyon. May narinig ka bang malasakit mula kay Cayetano sa kawawang kalagayan ngayon ng mga pasahero? Baka sa pagdepensa ng kanilang pork barrel funds na nasilip ng mga senador meron.

Sa mga susunod na linggo mga tsong, hihimayin na naman ng Senado ang panukalang budget sa 2020, at tiyak na maglalabasan na naman ang mga sinasabing pork barrel funds na umano'y isinisingit ng liderato ng Kamara para palakihin ang pondo ng mga kongresista.

Tanong tuloy ng isa nating kurimaw, panuhol kaya ni Cayetano na bigyan ng mas maraming pondo ang mga kongresista para magpapogi at sumama sa mga kunwaring mananawagan na huwag nang kilalanin ang term sharing kay Velasco para siya na lang ang maging Speaker hanggang matapos ang termino ni Duterte? Abangan.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao!
(Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    441 shares
    Share 176 Tweet 110
  • Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

    1176 shares
    Share 470 Tweet 294
  • Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

    4377 shares
    Share 1751 Tweet 1094
  • Duguang sekyu, nakahingi pa ng tulong bago muling habulin ng suspek sa RSU San Andres

    938 shares
    Share 375 Tweet 235
  • San Andres police, pinalalakas ang kampanya laban sa karahasan

    139 shares
    Share 56 Tweet 35
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Walong indibidwal, nasagip matapos masiraan ng bangka sa karagatan ng Corcuera

IPMR ng Calatrava, ipinagtanggol ang patas na pagbatikos kay Madrona sa gitna ng mga alegasyon

Printwise, nagbukas ng bagong branch sa Odiongan sa tulong ng DOLE at DOST

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up