Bigo na makapasok sa Top 22 ng Miss World Philippines 2019 ang pambato ng Romblon na si Sharmane Galisanao.
Si Galisanao ay rumampa sa Smart Araneta Coliseum sa swimsuit competition at evening gown competition suot ang kulay dilaw na matingkad na damit.
Tubong Alcantara, Romblon si Galisanao at nagtapos ng kolehiyo sa Romblon State University.
Kahit bigo, proud parin umano si Galisanao na dalhin ang pangalan ng probinsya sa malaking pageant.
“Thank you my Kasimanwa! I will always be proud and honored to represent our province,” ayon sa Facebook post ni Galisanao.
Sa huli, itinanghal na Miss Eco Teen Philippines si Vanessa Mae Walters; Miss Tourism Philippines si Glyssa Leiann Perez; Miss Multinational Philippines si Isabelle de Leon; Reina Hispanoamericana Filipinas si Katrina Llegado; Miss Eco Philippines si Kelley Day; at Miss World Philippines 2019 si Michelle Dee.