Tutungo ng bayan ng Romblon, Romblon ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation para magsagawa ng NBI Clearance Mobile Services sa darating na ika-9 hanggang 14 ng Setyembre.
Ayon kay Governor Jose Riano, maaring mag process ng renewal at bagong aplikasyon ng kanilang NBI Clearance ang mga Romblomanon sa nasabing mobile services.
ADVERTISEMENT
Tumungo lang umano sa Governor’s Residence malapit sa Provincial Capitol Building sa bayan ng Romblon, Romblon.
Madala lamang umano ng P215 para pambayad sa pag proseso ng clearance.