May aabot nanaman sa sampung (10) mangingisda ang naaresto ng mga tauhan ng Banton Municipal Police Station na iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng Banton, Romblon.
Ang mga naaresto ay mga residente ng Batangas City, at Cebu City na nangingisda sa dagat na sakop ng Carlota at Isabela Islands gamit ang fishing net.
Nakuha sa kanila ang may aabot sa 62kg ng isda, flippers, googles, at fishing net.
Dinala sila sa sentro ng Banton at pinagmulta sa Municipal Treasurers Office at agad namang pinalaya matapos magbayad.
Paalala ng Banton Municipal Police Station, kanilang pinatutupad sa kanilang bayan ang Municipal Ordinance No. 9 ng 2011 o ang ‘Ordinance Providing for the Utilization, Management, Conservation, and Regulating Fisheries and Aquatic Resources in the Municipality of Banton’.
Maging tanda umano ito sa mga mangingisda na patuloy na sumusuway sa kanilang batas.