Wagi sa katatapos lang na 1st Provincial Directors Cup 2019 ng Marinduque Police Provincial Office ang grupo mula lalawigan ng Romblon.
Pinangunahan ang Romblon shooters ni Police LtCol. Raquel Martinez ng Romblon Police Provincial Office.
Nauwi ni Martinez ang championship trophy para sa Lady & Lawmen Lady Category, habang nauwi naman ni Police Captain Dennis Rivera, ang championship trophy para sa Range Officers, Classic Division.
First Runner naman ang civilian na si Jezreel Jomadiao sa Civilian Standard Division at sa Over-all Standard Division.
Kasali rin sa competition sina PCMS Ruby Fallaria, PSSg Ferdie Vibo, PSSg Vic Marlon Meran at Atty. Ben Alban.
Ang nasabing aktibidad ay ginanap nitong July 6-7 sa Capayang Firing Range sa Mogpog, Marinduque kung saan inorganisa ni Mr. Wilson Lee Yu ng Wilson Gun Club.
Ang Marinduque Police Provincial Office ay pinangungunahan ni Police Col. Cresenciano Landicho.