May aabot sa mahigit 200 na estudyante mula sa dalawang Elementary School sa bayan ng Romblon, Romblon ang naging beneficiary sa ginawang feeding program ng Romblon Police Provincial Office (PPO).
Ayon kay Lt. Cornel Raquel Martinez, nagsagawa sila ng feeding program sa Calabogo Elementary School at sa Bagacay Elementary School noong Miyerkules, July 3.
Ang nasabing programa ay bahagi ng pagdiriwang ng 24th Police Community Relations Month ng Romblon PPO na may temang ngayong “Sambayanan, Mahalagang Kaakibat ng Kapulisan sa Pagtataguyod ng Mapayapa at Maunlad na Bayan”.
Maliban sa feeding program, nagsagawa rin sila ng film showing, at symposium kaugnay sa Republic Act 7610 at 9208.
Nagpasalamat naman ang mag principal ng mga nabanggit na paaralan dahil sila ang naging beneficiary ng program ng pulisya.
Malaking tulong umano ito para mawala sa isip ng mga bata ang masama nilang tingin sa mga kapulisan.