Nahulicam sa bayan ng Romblon, Romblon ang panloloob sa isang bahay ng isang magnanakaw nitong Sabado ng gabi, July 13.
Makikita sa CCTV footage ang paglitaw ng suspek sa sala habang walang tao nang mga oras na iyon at dahan-dahang lumapit sa drawer kung saan niya nakita ang cellphone ng may-ari ng bahay.
Nagtagal lang ng halos isang minuto ang suspek at agad na sumibat matapos makuha ang cellphone na nagkakahalaga ng halos P20,000.
Nakilala ang suspek sa tulong ng CCTV kaya agad itong naaresto ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station.
Nakakulong na ngayon ang suspek at posibleng makasuhan ng theft.