Isang nanganganib ng maubos na pawikan ang aksidenteng nalambat sa bayan ng Romblon, Romblon nitong umaga ng Sabado, July 20.
Ayon kay Rose Romblon, nakita ng mga kabarangay nila sa Barangay Agpanabat ang pawikan na nakapulupot sa isang lambat kaya agad nila itong inigtas at dinala sa pampang para suriin.
Ang nasabing pawikan ay napagalamang isang Hawksbill sea turtle na may habang 42 inches.
Maari umanong ito ay kumakain ng lumot sa lambat at aksidenting napuluputan ng lambat sa katawan kaya hindi na ito naka alis hanggang natangay ng alon papuntang sa tabing dagat.
Agad naman umano nilang pinakawalan ang pawikan pabalik ng dagat matapos masigurong ligtas itong makakalangoy palayo.
Makikita sa video na mukhang sanay na lumangoy pawikan sa kabila ng kakulangan sa palipik.