Naghalal na ng chairman ng walong committee ang mga kongresista sa 18th Congress nitong Miyerkules at isa sa naihalal bilang chairman ay si Romblon Rep. Eleandro ‘Budoy’ Madrona.
Pangungunahan ni Madrona ang committee on Public works and highways sa ilalim ni newly elected Speaker Alan Peter Cayetano.
Samantala, ang dalawang kongresista sa MIMAROPA na sina Cong. Lord Allan Velasco ng Marinduque at Cong. Franz Alvarez ng 1st District ng Palawan, ay pamumunuan ang committee on Energy at committee on Legislative franchise, respectively.
Narito pa ang ibang uupong chairman ng ilang committee sa kongreso:
Rules: Martin Romualdez, Leyte 1st District
Appropriations: Isidro Ungab, Davao City 3rd District
Accounts: Abraham Tolentino, Tagaytay City
Constitutional amendments: Rufus Rodriguez, Cagayan de Oro City 2nd District
Ways and means: Joey Salceda, Albay 2nd District