Dumalo nitong Lunes, July 1, sina Congressman Eleandro Madrona at Governor Jose Riano sa kanilang kauna-unahang flag raising ceremony sa Provincial Capitol bilang mga bagong upong opisyal ng probinsya.
Kasama nilang dumalo si SP Fred Dorado, at ang bagong SP member na si Robert Maulion.
Matapos ang flag raising ceremony, pinangunahan naman ni Governor Riano ang 1st Management Committee (ManCom) Meeting na ginanap sa SP Session Hall kasama ang iba’t ibang department heads ng Provincial Government.
Pinag-usapan rito kung paano nila papatakbuhin ng mas maganda ang kapitolyo at ang probinsya sa ilalim ng bagong administrasyon.