Dahil sa mataas na tubig sa ilog sa Barangay España sa bayan ng San Fernando, Romblon, gumamit na ng mga heavy equipment ang mga residente sa lugar para lang makatawid kaninang umaga, July 15.
Sa mga litratong kuha ni Shiela Riano, guro ng España National High School, makikita ang ilang residente na itinatawid ang isang motorsiklo sa ilog gamit ang isang loader.
Tumaas kasi ang tubig sa ilog dahil sa walang tigil ng ulan dala ng habagat na pinalakas ng bagyong Falcon.
ADVERTISEMENT




































