Sinuspende na ni Governor Jose Riano ang klase sa lahat ng antas ng paaralan, sa buong lalawigan ng Romblon ngayong hapon ng Miyerkules, July 17, pribado man o pampubliko, dahil sa masamang panahong nararanasan sa probinsya.
Ito ay ayon sa pahayag sa Philippine Information Agency ni Retired Col. Roseller Muros, Officer-In-Charge ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Ang masamang panahong nararanasan sa probinsya ay dahil sa Habagat na pinapalakas ng bagyong Falcon.
ADVERTISEMENT