Nakipagpulong nitong Huwebes, June 20, sina Congressman-elect Eleandro Jesus Madrona, at Governor-elect Jose Riano sa mga regional at provincial directors ng iba’t ibang National Government Agencies, Chief Executive ng iba’t ibang bayan ng Romblon, at sa mga bagong halal na Sangguniang Panlalawigan.
Layunin ng pagpupulong na makilala ng mga bagong halal na Mayors at SP ang mga provincial at regional heads na kanilang lalapitan pag sila ay maupo na sa darating na June 30.
Ginanap ang nasabing meet-and-greet meeting sa Luxent Hotel sa Quezon City.
Sa talumpati ni Madrona, hiniling nito sa mga dumalo na huwag mahiya na humingi ng endorsement sa kanyang opisina kung may mga proyekto silang ipapatupad sa lalawigan ng Romblon.
Umaasa rin umano siyang magiging maganda ang pakikipagtulungan ng mga National Agencies, Local Chief Executive, Provincial Government at ng Office of the Congressman sa loob ng tatlong taon.
Maliban sa pagpupulong, nag presenta rin ang mga Regional at Provincial Directors ng mandato at iba’t ibang programa para sa lalawigan ng Romblon ng kanilang kinabibilangang ahensya.