Apat sa mga bagong halal na alkalde ay mga babae: Armie Carrion (Boac); Vicky Lim (Gasan), Nancy Madrigal (Buenavista) at Lorna Velasco (Torrijos).
Ilang mga kababaihan ang namayagpag rin sa nakaraang halalan sa Marinduque.
Hindi na bago ang mga kababaihan nailuluklok sa kapangyarihan dito.
Ang namayapang Carmencita Reyes ay matagal na gobernadora ng lalawigan hanggan sa kanyang pagpanaw nitong Enero at ang kanyang anak na si Regina, na naging kinatawan ng Marinduque sa Mababang Kapulungan.
Sina Hannilee Siena (Buenavista) at Geraldine Morales (Sta. Cruz) ay mga nahalal bilang mga bise alkalde.
Ang Sanggunian Panlalawigan naman ay mayroong tatlong babaeng miyembro: Adeline Angeles at Theresa Caballes paras sa unang distrito at si Mercy Rejano para naman sa Ikalawang distrito.
May isa o dalawang kakabaihan ang nahalal bawat Sangguanian Bayan sa Marinduque .
Mas marami mang kalalakihan ang lumahok sa 2019 National and Local Elections sa Marinduque, nangunguna naman ang mga kababaihan sa senatorial race at maging sa iba pang posisyon.
Batay sa Provincial Certificate of Canvass para sa Marinduque, una sa karera para sa Magic 12 si senadora Grace Poe (60,087) na sinundan ni dating senador Cynthia Villar (59,350) at dating Taguig Representative Pia Cayetano (44,266).
Pang-walo naman si Senadora Nancy Binay (27,659). (LP/PIA Mimaropa)