Patay ang isang 18-anyos na lalaki matapos malunod habang naliligo sa sikat na dagat ng Sitio Binucot sa Barangay Bunsuran, Ferrol nitong hapon ng Sabado, May 25.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Junver Aparicio Gado, residente ng Barangay Hinag-oman sa parehong bayan.
Batay sa kwento ni Barangay Captain Victor Rufon sa pulisya, tumungo ng Binucot si Gado kasama ang kayang mga kaibigan para maligo at uminum. Naligo umano ang bitkima sa dagat ngunit hindi ito agad lumutang, dahilan para hanapin siya ng kanyang mga kaibigan.
Di nagtagal, nakita nalang nilang lumulutang ang biktima at bumubula na ang bibig kaya agad nila itong dinala sa pangpang.
Sinubukan pang dalhin sa Romblon Provincial Hospital si Gado ngunit idineklara ring dead on arrival ng Doctor.