• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, October 9, 2026
27 °c
Romblon
27 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    BJMP Romblon, lilimitahan ang outdoor activities ng PDL sakaling maging matindi ang init ng araw

    BJMP Romblon, lilimitahan ang outdoor activities ng PDL sakaling maging matindi ang init ng araw

    BJMP Romblon, naghahanda sa posibleng epekto ng El Niño

    BJMP Romblon, naghahanda sa posibleng epekto ng El Niño

    Bumagsak sa San Agustin, posibleng drone ayon sa Coast Guard

    Revised PCG Bill, inaprubahan sa Third and Final Reading sa Kamara

    Rice subsidy, ipinamahagi sa mahigit 700 benepisyaryo sa Alcantara

    Rice subsidy, ipinamahagi sa mahigit 700 benepisyaryo sa Alcantara

    Pagkamatay ng ilang isda, naitala din sa baybayin ng Barangay Balogo sa Calatrava

    Pagkamatay ng ilang isda, naitala din sa baybayin ng Barangay Balogo sa Calatrava

    Mahigit 1,000 graduating students ng RSU, sumalang sa career skills enhancement

    Mahigit 1,000 graduating students ng RSU, sumalang sa career skills enhancement

    SP Irene Morgado, hinikayat ang Romblon cooperatives na palakasin ang pagkakaisa at magbahagi ng solusyon

    SP Irene Morgado, hinikayat ang Romblon cooperatives na palakasin ang pagkakaisa at magbahagi ng solusyon

    CDA hinikayat ang Romblon cooperatives na palakasin ang tiwala at partisipasyon ng mga miyembro

    CDA hinikayat ang Romblon cooperatives na palakasin ang tiwala at partisipasyon ng mga miyembro

    VG Gutierrez, hinikayat ang mga kooperatiba sa Romblon na maghanap ng grants at income-generating projects

    VG Gutierrez, hinikayat ang mga kooperatiba sa Romblon na maghanap ng grants at income-generating projects

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
27 °c
Romblon
27 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Inangking lahat!

Romblon NewsbyRomblon News
April 22, 2019 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 18 mins read
9
0
U_Spy: Inangking lahat!
Share on FacebookShare on Twitter

Marami na ang nag-aabang at kating-kati nang mapanood ang “Avengers: Endgame” dahil gusto nilang malaman kung papaano babagsak ang kalabang si Thanos. Pero sa tunay na buhay para sa Pinoy, malamang na marami rin ang gustong malaman kung ano ang endgame sa ginagawang pang-aagaw ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Nitong nakaraang mga araw, nagpupuyos na naman ang loob ng ating kurimaw na mahilig sa tikoy nang mapanood ang balitang ginagahasa pa rin ng mga Tsinong mangingisda ang yamang-dagat sa Scarborough Shoal, tulad nang pagkuha ng mga taklobo. Napakaraming barko o bangkang pangisda ng mga Tsino ang nangga-gang rape sa dating pangisdaan na iyon ng mga kababayan natin.

Bagaman nakakapunta pa rin naman doon ang mga mangingisdang Pinoy, binabakuran naman daw ng mga sasakyang pandagat ng China at mga mangingisdang Tsino ang partikular na lugar kung saan may nahuhuling magagandang uri ng isda. At dahil nakabaon sa ilalim ng dagat o nakakabit sa mga bato ang mga malalaking taklobo, binubungkal daw ng mga Tsino ang ilalim ng dagat kaya nabubulabog ang mga yamang-dagat na nandoon.

Hindi lang iyon, kapansin-pansin din na maraming bahura o corals na ang nawasak o patay na. Kaya naman nangangamba ang mga mangingisdang Pinoy na baka wala nang pakinabangan sa lugar na iyon ang susunod na henerasyon ng mga mangingisda. Pero ang mas tamong tanong siguro, abutan pa kaya ng susunod na henerasyon na tubig o bahagi pa ng dagat ang Scarborough o maging isang artificial island na rin?

Naglalaro kasi sa maruming isip ng isa pa nating kurimaw na baka sinasadyang wasakin na ng mga Tsino ang ilalim ng dagat at pinapakinabangan na lang ang mga taklobo, bilang paghahanda ng China sa paglalagay doon ng mga buhangin. Aba'y hindi malayong mangyari iyon kung pagbabatayan natin ang mga nasira nang bahura. Kung patay na ang mga corals, magmimistulang bato na rin ang mga iyon na dagdag pampatibay siguro sa gagawing isla ng China. Anong malay natin?

Pero sa kabila ng galit ng maraming Pinoy, mukhang hindi naman nababahala si Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin, na ang tanging plano ay singilin lang daw ang China sa ginagawang paghahakot ng taklobo. Wala yata sa bokabularyo niya ang pangambang inaagaw na nang tuluyan ng China ang naturang lugar, at inaagaw ng mga Tsino ang kabuhayan ng mga kababayan natin. Kaya huwag na tayong magtaka na isang araw ay makita na lang natin sa satellite picture na may isla na doon.

But wait there's more, sabi ni Locsin, mga “militia” o sibilyang armado, o mga poacher o iligal na mangingisda ang sakay ng mga bangkang nakunan din ng larawan na malapit sa mga teritoryong sakop ng Pilipinas. Gayunman, hindi malinaw sa Tweet ng kalihim kung saan ang partikular na lugar ang tinutukoy niyang namataan ang mga Chinese militia o poachers.

Pero batay sa mga naunang ulat, bukod sa Scarborough, may nakita ring mga bangka ng mga Tsino sa Pagasa Island, at pati na sa Kota at Panata Islands. Kung totoo ang sinasabi ni Locsin na militia o poachers ang mga sakay ng mga bangka at walang pahintulot ng China ang paglalayag na iyon, aba'y hindi ba dapat kumilos na ang Pilipinas para itaboy o palubugin ang mga mokong na iyon? Gaya ng ginagawa ng ibang bansa na pinapasabog at ikinukulong ang mga Chinese na iligal na nangingisda sa kanilang teritoryo.

At kung mga militia at poacher din ang mga nasa Scarborough, aba'y parang mahirap yatang paniwalaan na hindi iyon alam ng China. Bakit ka ninyo? Dahil noon pa mang 2012 ay nakahuli na ang mga awtoridad natin ng mga barko nila na may laman na sangkatutak na taklobo. Katunayan, ang pagkakahuling iyon ng Pilipinas ang isa sa mga naging dahilan ng mas matinding girian ng Pilipinas at China.

Maliban sa pagpuna na paglabag sa sobereniya ng bansa ang paglalayag ng mga barko at bangkang pangisda kuno ng mga Tsino sa mga teritoryo ng Pilipinas, wala pa rin talagang mahilab-hilab na pahayag ang pamahalaan at si Locsin tungkol sa mga bagong nangyayari sa WPS.

Kung pagbabatayan ang survey ng Social Weather Station na mas nakararami (49 percent) ang mga Pinoy na umaayon sa isinampang kaso sa International Criminal Court nina dating DFA Sec. Albert Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales laban sa China kaugnay ng Scarborough, aba'y baka mas dumami pa ito ngayon.

Hindi rin kataka-taka kung maapektuhan nito ang resulta ng gaganaping halalan sa Mayo. Abangan natin

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao!

(Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • Barangay Kapitan sa Romblon, sinuspinde dahil sa simple misconduct

    Barangay Kapitan sa Romblon, sinuspinde dahil sa simple misconduct

    1330 shares
    Share 551 Tweet 325
  • Pagkamatay ng ilang isda, naitala din sa baybayin ng Barangay Balogo sa Calatrava

    49 shares
    Share 20 Tweet 12
  • Sibuyan District Hospital, kinondena ang insidente ng sigawan at pagmumura sa loob ng pasilidad

    678 shares
    Share 271 Tweet 170
  • Anim na estudyante, sugatan matapos magbanggaan ang tricycle at motorsiklo sa Romblon

    297 shares
    Share 119 Tweet 74
  • Mahigit 1,000 graduating students ng RSU, sumalang sa career skills enhancement

    18 shares
    Share 7 Tweet 5
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

KWF, kikilalanin ang ortograpiya ng tatlong wika ng Romblon

DTI Romblon, magsasagawa ng In-store Diskwento Caravan sa 7 bayan sa October 9-10

TRENDING FOR THE MONTH

Mobile Journalism, opisyal nang kategorya sa Division Schools Press Conference

Lolo, patay sa pamamaril sa Santa Fe, Romblon

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up