Nagkaroon ng pagkakataon ang 12 sa 17 na mga alkalde ng Romblon na makapag pa picture kay Presidente Rodrigo Duterte sa Malacañang nitong nakaraang Miyerkules, February 13.
Ang litrato ay kinunan matapos umano ang Consultative Meeting kaugnay sa peace and order sa rehiyon ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) at CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon).
Sinabi ni Corcuera Mayor Rachel Banares, League of Municipalities of the Philippines (LMP) Romblon Chapter President, na imbeta ng Malacañang ang lahat ng alkalde ngunit hindi nakadalo ang mga alkalde ng Odiongan, Calatrava, San Jose, San Andres, at Banton dahil umano sa mga naunang commitment.
Makikita rin sa litrato kasama ng mga alkalde si dating Romblon Congressman Eleandro Madrona at si dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go.