Ipinakilala na ng Provincial Tourism Office ng Romblon ang magiging pambato ng probinsya sa gaganaping Ginoo at Binibining MIMAROPA Festival 2018 sa darating na November 14-18, 2018 sa bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro.
Magiging pambato sa Ginoong MIMAROPA Festival 2018 si Jomery Alonsagay, at habang si Carmela Manoy naman ang magiging pambato sa Binibining MIMAROPA Festival 2018. Pawang mga residente ng San Agustin, Romblon ang dalawa.
Ayon sa Tourism Office, napagkasunduan ng Association of Romblon Tourism Officers (ARTO) na sila ang dalawa ang napila mula sa iba’t ibang entry na ipinasa ng mga municipa tourism officer sa ARTO.
Inaasahang si ARTO President at San Agustin Municipal Tourism Officer Mario Mancuyas ang magiging manager nina Alonsagay at Manoy.