Inaprubahan na ng Department of Labor and Employement (DOLE) sa pamamagitan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang bagong minimum wage para sa MIMAROPA Region na binubuo ng mga probinsya ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.
Ang nasabing wage hike ay napapaloob sa RB-Mimaropa-09 na inanunsyo ni DOLE Secretary Silvestre Bello III sa isang press briefing nitong Lunes, November 05.
Ayon kay DOLE Secretary, ang mga employer na may 10-pababang empleyado ay dapat magbigay ng PHP283/day minimum wage at PHP320/day naman ang dapat ibigay kung ang employer ay may 10-pataas na mga empleyado; mula sa dating P271-P300/day na minimum wage. Ito ay kasunod ng mga consultations at public hearings na isinagawa sa limang probinsya ng MIMAROPA Region.
Batay sa RB-Mimaropa-09 na nilabas ng DOLE at RTWPB, aabot sa PHP12 to PHP20 ang itinaas sa mga minimum na sahod ng nga empleyado sa MIMAROPA Region.
Kasabay ng wage increase sa MIMAROPA Region ay inanunsyo rin ni Secretary Bello ang PHP10 to PHP25 wage increase sa National Capital Region at PHP10 wage increase naman para sa Region 2.
Ang nasabing wage adjustment ay magiging epektibo pagkatapos ng 15 na araw mula ng ito ay maibalita sa mga newspaper.