Opisyal ng pinasinayaan at binuksan sa publiko ngayong araw ang kauna-unahang zipline ng Tablas Island na matatagpuan sa San Agustin, Romblon. Sinaksihan ito ng anim na kandidata ng Miss Earth 2018 na nasa lalawigan ng Romblon para sa kanilang two-day eco-tour.
Pinangunahan ang pagpapasinaya nina Congressman Emmanuel Madrona, San Agustin Mayor Denon Madrona, Vice Governor Jose Riano.
Ayon sa pamunuan ng San Agustin, Romblon, aabot sa 703 meters ang haba ng nasabing zipline na magmumula sa Biaringan Island patungong Barangay Longbeach sa nasabing bayan.
Inaasahang makakatulong ang nasabing zipline turismo ng San Agustin at ng probinsya ng Romblon dahil ito umano ay dagdag sa mga pwedeng maipagmamalaki ng probinsya.
Maaring makipag-ugnayan sa Municipal Tourism Office ng San Agustin ang mga gustong bumisita sa lugar.