Nakapag-papicture ang mga alkalde ng probinsya ng Romblon na dumalo sa League of Municipalities of the Philippines (LMP) Luzon Island Cluster Conference sa SMX Convention Center sa Davao City nitong Martes, October 23 sa dating spokeperson ni President Rodrigo Duterte na si Harry Roque.
Sa liratong inupload sa social media ni Corcuera Mayor Rachel Bañares, at kasalukuyang presidente ng LMP Romblon Chapter, makikita ang mga alkalde na tumayo sa kanilang table para makapag-pakuha ng litrato kay Roque.
Pagkatapos ng event sa Davao ng mga alkalde, tutungo silang Manila para sa nakatakdang Provincial Development Council (PDC) Meeting sa Quezon City bukas, October 25.