Tatakbo sa pag Gobernador ng lalawigan ng Romblon sa darating na 2019 Midterm Elections ang kasalukuyang Bise-Gobernador ng probinsya na si Jose Riano.
Ito ang kinumpirma ng Bise-Gobernador sa Romblon News Network nitong Lunues, October 08.
Aniya, kung papalaring manalo ay mabibigyan siya ng pagkakataon na mas mapagsilbihan ang lalawigan at ang mga Romblomanon.
Sinabi rin ni Riano na tandem niya sa pagtakbo si Incumbent Sangguniang Panlalawigan Member Armand Gutierrez ng unang distrito na tatakbo naman sa pagka-Bise Gobernador.
Wala pa umanong araw kung kelan sila maghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections.