Arestado nitong Lunes, October 29, ang tinuturing ng Number One Most Wanted Person ng bayan ng Romblon, Romblon na si Domingo Roga Fortunato, 62-anyos kasalukuyang naninirahan sa Plaridel, Bulacan.
Ayon kay Police Senior Inspector Gemie Mallen, hepe ng Romblon Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tip mula sa kanilang Barangay Intelligence Network (BINs) na di umano ay nakita ang suspek na si Fortunato sakay ng M/V Grand Venture ng Navious Shipping Lines patungong Romblon, Romblon kaya agad nilang plinano ang pag-aresto sa suspek.
Nakipag-uganayan ang Romblon Municipal Police Station sa BINs at nakumpirma nga na nakasakay ang suspek at eksaktong pagdating nito sa Romblon, Romblon ay inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 81, Romblon, Romblon noong August 22, 2018.
Kasong rape o paglabag sa Republic Act 8353 ang isinampa kay Fortunato.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa Romblon Municipal Police Station at inaasahang ihaharap na sa korte.
Maari siyang makalaya pansamantala kung magbabayad ng piyansa na aabot sa P120,000.