Sa ikalawang araw ng kanilang eco-tour sa lalawigan ng Romblon, bumisita ngayong Lunes, October 15, ang anim na dilag ng Miss Earth 2018 sa bayan ng Romblon kung saan sinalubong sila ng mga estudyante, mga residente, at mga kawani ng local government unit ng bayan.
Ang anim ay binubuo ng mga dilag mula sa mga bansang Egypt, Ukraine, Tonga, Cambodia, Paraguay, at Cyprus.
Nag-ikot rin ang mga dilag sila sa Romblon National High School kung saan nag-aabang ang halos 500 estudyante. Dinala rin sila sa landmark ng bayan, at sa sikat na Bonbon Beach na matatagpuan sa kapitolyo ng probinsya.
Masaya naman ang mga organizers at ang Miss Earth 2018 candidates dahil sa mainit na pagsalubong sa kanila ng mga taga-Romblon.
Ang mga event ng Miss Earth 2018 sa lalawigan ay sponsored nina Ms.Aileen Solidum Campos, Ms. Merlyn Fely Solidum Viola, at ni Ms.Elle Fabic Madrona.