Opisyal ng naghain ng kanyang certificate of candidacy (coc) si Incumbent Mayor Trina Firmalo-Fabic para sa re-election bilang Mayor ng bayan ng Odiongan sa darating na 2019 elections.
Sinamahan ang alkalde ng kanyang asawa na si Luis Fabic, at ng kanyang ama na si Governor Eduardo Firmalo, sa kanyang pag-file ng COC sa Commission on Elections (Comelec) nitong Martes ng umaga.
Kasabay na naghain ng COC ni Firmalo-Fabic si incumbent Sangguniang Bayan member Diven Dimaala na tatakbo naman bilang bise-alkalde, ka-partner ng naunang nabanggit.
Ngayong araw rin nag-file ang pitong susubok na umupo sa Konseho ng bayan ng Odiongan kung saan bagong takbo para sa municipal level ng eleksyon.
Inaasahang makakalaban ni Fabic at Dimaala sina incumbent SP Venizar Maravilla, at incumbent Vice Mayor Mark Anthony Reyes na ilang minuto lang naunang mag-file ng certificate of candidacy sa kanila.