Matapos ang maraming taong pagkakabulag, nakakita na muli ang isang IP Member na si Lony Ruba ng Sibuyan Island sa tulong ng Provincial Social Welfare and Development Office ng lalawigan ng Romblon.
Ayon sa PSWDO, si Ruba ay nabulag matapos magkaroon ng katarata ang kanyang mga mata.
Sa tulong ng Provincial Social Welfare and Development Office, Provincial Government ng Romblon, sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit ng Cajidiocan, nailapit si Ruba kay Dr. Christian Que na isang espesyalista sa mata.
Pinasalamatan ni Ruba ang mga tauhan ng Provincial Social Welfare and Development Office at si Romblon Governor Eduardo Firmalo dahil hindi umano sila tumigil para makatulong sa muling pagkakaroon ng liwanag sa kanyang mga mata.
Nasa Romblon Provincial Hospital pa ngayon si Ruba at patuloy na ang pagpapagaling matapos ang gamutan.




































