Pormal ng naghain kaninang umaga, October 15, sa Commission on Elections (Comelec) ang kilalang kolumnista at publisher na si Joey Venancio ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-Mayor ng Santa Fe, Romblon.
Lumaban na noong May 2016 si Venancio sa pagka-alkalde ng bayan ngunit natalo ito ng 36 votes laban kay Incumbent Mayor Elsie Visca.
Ayon kay Venancio, ang muli niyang pagtakbo ay dahil sa kahilingan ng kanyang mga kababayan sa Santa Fe, Romblon na muling subukan ang pagiging kandidato.
Si Venancio ay kasali sa coalition nina Firmalo, Fabella, at Ylagan na naghain rin ng kanilang kandidatura ngayong araw sa kabisera ng probinsya.