Nanumpa sa House of Representative nitong Martes, October 09, si dating Calatrava Mayor Robert Fabella bilang bagong provincial chairman ng partidong Lakas–CMD (Lakas–Christian Muslim Democrats) sa lalawigan ng Romblon.
Pinangunahan ni Senior Majority Floor Leader Prospero Pichay Jr., Secretary-General ng Lakas-CMD ang panunumpa ni Fabella at sinasaksihan naman ni Congressman Jacinto Paras ng Negros Oriental.
Napapabalitang tatakbo sa pagka-Gobernador ng lalawigan ng Romblon si Fabella sa ilalim ng ticket ni incumbent Governor Eduardo Firmalo sa darating na 2019 Elections ngunit hindi pa ito pormal na nagaanunsyo ng kanyang plano.